-- Advertisements --
Patuloy ang ginagawang paghahanda ng dating UFC fighter na si Anderson Silva para sa unang pagsabak niya sa boxing.
Makakaharap kasi nito sa Hunyo 18 si Julio Cesar Chavez Jr. sa Jalisco Stadium sa Guadalajara, Mexico.
Sinabi ng 46-anyos na si Silva na naging matindi na ang kaniyang ensayo sa Los Angeles.
Mula pa kasi noong 2005 ay hindi pa ito sumabak sa boxing.
Habang si Chavez na mayroong record na 52 panalo, limang talo at isang draw ay tinalo si Jeyson Minda nooong November 2020.
Target rin ni Silva na makaharap boxing ring sina Conor McGregor, Chris Weidman at Khabib Nurmagomedov.