-- Advertisements --

Hindi pa matiyak ni dating UFC middleweight world champion Anderson Silva kung ito ay magreretiro na.

Ito ay matapos na talunin siya ni Uriah Hall sa pamamagitan ng fourth- round technical knockout.

Sa siyam na laban nito ay isang laban lamang ang naipanalo ng 45-anyos na si Silva.

Sinabi nito na kaniya munang pag-aaralan ang lahat at kukonsultahin ang team members kung ito ay dapat na tumigil na sa paglaban.

Naniniwala naman si UFC president Dana White na panahon na para magretiro na si Silva.