CENTRAL MINDANAO – Ligtas na ang dalawa ka tao na tinambangan sa probinsya ng Maguindanao.
Nakilala ang mga biktima na sina Phoebe Cates Pimentel,Municipal Treasurer ng Datu Saudi Ampatuan Maguindanao at driver nito na si Edwin Masukat.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director,Colonel Ronald Briones na lulan ang mga biktima sa isang kotse mula Cotabato City patungo sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan.
Ngunit pagsapit nila sa hangganan ng Brgy Pinguiaman at Taviran Datu Odin Sinsuat Maguindanao ay bigla itong pinaulanan ng bala ng mga hindi kilalang mga armadong kalalakihan.
Kahit sugatan ang driver na si Masukat ay nagawa pa nitong patakbuhin ang kotse patungo sa detachment ng sundalo at humingi ng saklolo.
Kinomperma naman ni Datu Saudi Ampatuan Municipal Administrator Akhmad Donia na posibling target ng mga suspek ang dalang anim na milyon pesong pera ng mga biktima na pampasahod sa mga empleyado ng bayan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang pangyayari.