-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni Andi Eigenmann ang kaniyang partner na si Philmar Alipayo laban sa mga nag-aakusa na ninakaw umano nito ang mga donasyon na inilaan para sa mga biktima ng bagyong Odette sa Siargao.

Sa kaniyang social media account ay sinagot ng actress ang mga alegasyon.
Sinabi nito personal na tumulong ang partner sa mga nasalanta ng bagyo.

Nilinaw din nito ang batikos sa kumalat na larawan na mayroon itong mga dalang kahon habang pabalik sa isla.

Ayon sa actress na pinakiusapan nito ang partner na daanan sa isang airline companies ang mga ipinadala nitong mga pagkain at tulong mismo na ibinigay niya para sa mga mamamayan nilang sinalanta ng bagyo.

Iginiit nito na mayroong sariling pera si Alipayo at hindi niya kailangan na kunin pa ang tulong na inilaan sa mga biktima ng bagyo.