-- Advertisements --
Dalawang linggo matapos ang due date, isinilang na ni Andi Eigenmann ang pangalawang baby nito.
Mismong ang surfer boyfriend niyang si Philmar Alipayo ang nag-post sa tinatawag na IG story, ng larawan habang karga nito ang kanilang baby girl.
“amo babaje,” ang caption nito.
Nag-uploaded din ng video si Alipayo kung saan makikitang nasa ospital din ang pitong taong gulang na panganay ni Andi na si Ellie.
Si Ellie ay anak ng 29-year-old actress sa ex-boyfriend na si Jake Ejercito.