-- Advertisements --
Hinangaan ng mga netizens si Andi Eigenmann dahil sa kabutihang loob ng ginagawa nito.
Sa kaniyang vlog ay ibinahagi ng actress na nagbebenta ito ng kaniyang mga pinaglumaang damit.
Ibibigay aniya nito ang kita para sa day care centers ng kanilang lugar sa Siargao.
Inilagay nito ang puwesto sa gilid ng kalsada para ito ay madaling makita ng kaniyang mga kapitbahay.
Dagdag pa ng actress na ito ang naisip nitong paraan para mapakinabangan ang mga pre-loved clothes.
Sumama ito sa kaniyang kaibigan na naunang nagtayo ng fundraisers kasama ang Isla Medical Foundation para mapaganda ang mga health center sa nasabing lugar.