-- Advertisements --
Nanawagan ng tulong ang actress na si Andi Eigenmann matapos ang bahay nila sa isla ng Siargao ay dinaanan ng bagyong Odette.
Sa kaniyang social media ay ibinahagi ng actress ang mga videos at larawan ng mga sira-sirang kalsada at kabahayan.
Dagdag pa nito na tila matatagalan pa bago makabalik sa dati ang nasabing isla dahil sa labis na pinsala ng bagyo.
Nanawagan din ito kasama ang fiance na si Philmar Alipayo ng pagdarasal dahil sa marami ang nasira sa lugar.
Nasa Batangas ang actress kasama ang dalawang anak para dumalo sa kasal ng kaibigan ng mangyari ang insidente kung saan nakansela ang kanilang flight pabalik sa Siargao.