-- Advertisements --

Nakadama ng panghahamak mula sa ipinapatupad na lockdown ng Italy dahil sa coronavirus ang opera singer na si Andrea Bocelli.

Sinabi nito na tila nakagawa ito ng krimen kaya hindi na ito nakakalabas ng bahay.

Dagdag pa nito na tila naging masyado mahigpit ang kanilang gobyerno sa nasabing coronavirus pandemic.

Isinagawa nito ang pahayag matapos ang batikusin ng mga opposition politicians si Prime Minister Giuseppe Conte dahil sa maling paghawak nito ng health crisis sa Italy.

Kuwento pa ng 61-anyos na singer na sa kaniyang edad ay kailangan niya ng vitamin D mula sa araw.

Magugunitang nagsimula ang lockdown noong Marso at ito ay bahagyang niluwagan ng ilang buwan.