-- Advertisements --

Ibinunyag ng kilalang tenor opera singer Andrea Bocelli na gumaling na ito sa pagkakahawa ng coronavirus.

Sinabi nito na noon pang nakaraang buwan ng ito ay masuri na positibo sa nasabing virus.

Dagdag pa nito na isang malaking trahedya sa kaniyang buhay ang naranasan nito dahil halos lahat ng miyembro ng pamilya nito ay kaniyang nahawaan.

Napilitan din itong kanselahin ang mga concerts at sa wari niya ay tila hindi na nito makontrol ang mga bagay-bagay.

Labis-labis naman ang kaniyang pasasalmat dahil gumaling na ito.

Ang 61-anyos na singer ay kilalang opera singer na nakapagbenta ng mahigit 90 million na records sa buong mundo.