-- Advertisements --
Napiling kumanta sa simbahan sa Milan pagdating ng Easter Sunday ang sikat na tenor na si Andrea Bocelli.
Kakanta ang Italian opera singer sa bakanteng Duomo cathedral sa Milan at ito ay mapapanood sa livestream dahil pa rin sa ipinapatupad na lockdown bunsod ng corona virus.
Sasamahan siya ng organist ng cathedral na si Emanuele Vianelli na tutugtog ng pinakamalaking pipe organs.
Sinabi nito na labis siyang nagagalak dahil sa pagkapili sa kaniya na kumanta sa Easter Sunday.