Nagpapasalamat si Andrea Brillantes na kailanman ay tila hindi na mawawala ang pagkakaibigan nila ng kapwa young actor na si Seth Fedelin.
Ito’y ilang araw matapos ang agaw atensyong pagkakaroon ng boyfriend ni Andrea kasabay ng Araw ng Kagitingan sa katauhan ng actor at basketball player na si Ricci Rivero.
Kasunod nito ang pagbunyag ng 19-year-old actress na naging kasintahan pala talaga nito ang ka-love team na si Seth sa loob ng mahigit dalawang taon bagama’t nauwi sa hiwalayan.
“We broke up last year. Early October ‘yun and it was a painful breakup but it was a mutual decision, ‘yung paghihiwalay namin. We both loved each other truly and deeply. We’ve learned so much from each other. But in the end we realized na we weren’t growing as individuals. Lahat ng fake news at pag-a-assume niyo sa nangyari sa relasyon namin, hindi totoo ‘yun. We ended on good terms at ‘yun naman ang importante,” wika ni Brillantes sa kanyang IG video.
Inamin din nito na mali ang pagsapubliko nito sa kanyang pagiging emosyonal noong makita si Seth na nagdiwang ng New Year kasama ang pamilya ni Francine Diaz, ilang buwan matapos ang breakup nila.
Una rito, sa harap ng basketball fans at gamit ang mikropono ay umugong sa loob ng arena ang tanong ng 23-year-old basketball/ showbiz personality na, “I just wanna ask Blythe to be my girlfriend?”
Ang Blyth ay bahagi ng tunay na pangalan ng young actress bilang si Anndrew Blythe Daguio Gorostiza.
Pinili at niyakap naman ni Andrea ang kulay black T-shirt na may tatak na YES na hawak ng isang lalaki na nasa likod niya sa audience gallery ng arena.
“First time kong manood ng UAAP di ko inaasahang magkaka-boyfriend pa ako. Grabe naman ‘yun Lord!” ang caption ni Brillantes sa kanyang larawan habang hawak din ang bulaklak.
Sa panig ni Ricci, dalawang panalo aniya ang kanyang nakamit panalo ito sa puso ni Andrea at wagi rin ang kanyang UP Maroons team sa laro laban sa FEU Tamaraws.