-- Advertisements --

Nananatiling tahimik si Andrea Brillantes habang isinusulat ang balitang ito sa kabila ng pinagpiyestahang larawan nito sa nagdaang weekend.

Sa kanyang latest online post, nariyan ang kanyang pagbida sa tila brand ng makeup collection na isinunod sa bahagi ng kanyang tunay na pangalan.

Una rito, naging viral o usap-usapan ang larawan ni Andrea kasama ang kapwa 18-year-old actor na si Kyle Echarri at 20-year-old singer na si Darren Espanto kung saan pawang nakahiga raw ang tatlo.

Nasa gitna si Echarri na sinasabing halata ang pag-topless o walang suot na pang-itaas na damit.

Ayon sa Becky Aguila Artist Management, kuha ang kontrobersyal na larawan matapos ang video blog shoot kung saan kasama rin sina AC Bonifacio at Xyriel Manabat.

Matagal na rin daw na magkakaibigan ang tatlo kaya komportable na sa isa’t isa at tanging mga may maruruming isip lang ang magbibigay ng malisya sa naturang “groufie.”

“We condemn those who are quick to judge and even went as far as creating rumors online, maligning our artist’s reputation. Rest assured that we are taking this matter with utmost vigilance and shall put an end to this unfortunate misunderstanding,” bahagi pa ng statement bagama’t sinasabing burado na sa kasalukuyan.

Sa panig ni AC, tila pumalag ang kanyang ina nang magpasaring na huwag daw idamay ang anak sa isyu ngunit wala itong direktang binanggit na pangalan.