-- Advertisements --

Hindi umano inasahan ng teen actress na si Andrea Brillantes na magkakaroon ito ng boyfriend sa unang pagkakataon na panonood ng UAAP (University Athletic Association of the Philippines).

Kahapon April 9 o ang Araw ng Kagitingan, ay espesyal na araw rin para sa 19-year-old actress matapos nakatanggap ng girflriend proposal mula sa actor at basketball player na si Ricci Rivero.

Sa harap ng basketball fans at gamit ang mikropono, umugong sa loob ng arena ang tanong ng 23-year-old basketball/ showbiz personality na, “I just wanna ask Blythe to be my girlfriend?”

Ang Blyth ay bahagi ng tunay na pangalan ng young actress bilang si Anndrew Blythe Daguio Gorostiza.

Pinili at niyakap naman ni Andrea ang kulay black T-shirt na may tatak na YES na hawak ng isang lalaki na nasa likod niya sa audience gallery ng arena.

“First time kong manood ng UAAP di ko inaasahang magkaka-boyfriend pa ako. Grabe naman ‘yun Lord!” ang caption ni Brillantes sa kanyang larawan habang hawak din ang bulaklak.

Sa panig ni Ricci, dalawang panalo aniya ang kanyang nakamit panalo ito sa puso ni Andrea at wagi rin ang kanyang UP Maroons team sa laro laban sa FEU Tamaraws.