-- Advertisements --
image 6

Nagsalita na ang aktres na si Andrea Brillantes tungkol sa isyu ng hiwalayan nila ng basketball player na si Ricci Rivero.

Ayon sa TV host na si DJ JhaiHo, tinanong niya ang aktres kung ano ang reaksyon nito at kung totoo ang mga pahayag ni Rivero sa interview nito kay Boy Abunda.

Ayon kay Brillantes, tila may kinalimutang sabihin si Rivero sa pahayag nito sa likod ng kanilang hiwalayan.

“LOL. Nakalimutan niya atang sabihin na hubad kong nadatnan yung girl.” ayon kay Brillantes.

Dagdag pa nito, “Hubad sa kuwarto niya. Tulog siya. Hindi daw nila alam ang nangyari. Lasing sila, hindi niya minention. Marami pa siyang hindi minention,”

Samantala ayon pa kay JhaiHo, nang tanungin niya ang aktres sa pagkakakilanlan ng babaeng nahuli niyang kasama ni Rivero, hindi na ito nagsalita pa.

Matatandaan na sa panayam ni Rivero kay Abunda, tinugon nito ang mga espekulasyon sa social media, at nilinaw na ang babaeng nakita sa kanyang lugar sa mga viral photos ay kasama ng kaniyang kaibigan, hindi niya.