-- Advertisements --
Bianca Andreescu
Bianca Andreescu/ IG post

Hindi pa ring makapaniwala si Canadian tennis player Bianca Andreescu na tatalunin niya si Serena Williams sa US Open finals.

Nakuha kasi ng 19-anyos na tennis player ang score na 6-3 at 7-5 para maging kauna-unahang Grand Slam singles champion ng Canada.

Mula pa noong 16-anyos pa lamang ito ay pangarap na niyang magkampeon sa US Open.

Gumagawa pa ito ng mga peke na tseke at doon isinusulat ang mga premyo para gawing inspirasyon.

Maraming mga kababayan niya sa Canada ang bumati na pinangunahan ito ni Canadian prime minister Justin Trudeau.

Nagbigay kasi ng karangalan si Andreescu sa Canada matapos ang pagiging kampeon sa NBA ng Toronto Raptors.