-- Advertisements --

Naghahanda na si tennis star Andy Murray sa pakiklahok niya sa US Open.

Sinabi ng dating world number one na may mga pag-aalinlangan pa rin itong maglaro dahil patuloy ang banta ng coronavirus.

Makikilahok ito muna sa Battle of the Brits Team Tennis event sa London ngayong linggo at nakatutok ito sa hard-court event sa New York sa Agosto 31.

Dagdag pa ng British tennis player na tiyak na wala ng magiging aberya pa sa nasabing US Open.

Magugunitang maraming mga sporting events ang hindi natuloy dahil sa epekto pa rin ng corona virus pandemic.