Inanunsiyo ni three-time Grand Slam champion Andy Murray na nito ay magreretiro na pagkatapos ng 2024 Paris Olympics.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng pasasalamat Great Britain dahil sa pagrepresenta niya ng ilang beses sa Olympics.
Dagdag pa nito na pag-natapos na ang Paris Olympics ay doon na niya tutuldukan ang kaniyang 19-taon na paglalaro.
Magugunitang napilitang umatras siya sa Wimbledon singles dahil sa hindi pa gumagaling ang kaniyang spinal cyst procedure.
Lumahok siya sa doubles kasama ang kapatid na si Jamie Murray subalit nabigo sila sa unang round.
Ang dating world number 1 ay siyang nakabasag sa 77-taon na walang nagkampeon sa British men’s single noong magkampeon ito sa Wimbledon sa taong 2013 at naging matagumpay sa All England Club noong 2016.
Nag-uwi din ito ng dalawang gintong medalya sa Olympics para sa Great Britain na una ay noong 2012 ng talunin si Roger Federer sa straight sets at matapos ang apat na taon ay nagwagi rin ito laban kay Juan Marin del Potro.