-- Advertisements --

Inanunsiyo ng indie rock band na “Ang Bandang Shirley” ang kanilang paghihiwalay.

Sa social media account ng banda, ay ipinarating nila ang hindi magandang balita.

Isa sa mga dahilan nila ay ang pagkakasangkot sa kontrobersiya ng isa nilang dating miyembro.

Sa pinagsamang pahayag ng mga miyembro na sina Debb Acebu, Paolo Arciga, Miggy Abesamis at Kathy Gener na hindi na nila kayang magpatuloy bilang banda dahil sa alegasyon laban sa dating miyembro nila na si Ean Aguila noong Enero.

Hindi na binanggit pa ng grupo ang nasabing alegasyon kung saan una ng umalis sa banda si Aguila.

Taong 2003 ng magsimula ang banda at ilan sa mga pinasikat nila ay ang “Umaapaw”, “Nakauwi Na” , “Siberia” at maraming iba pa.