Palaisipan pa rin kay All-Star guard Donovan Mitchell ng Utah Jazz kung bakit nagpositibo siya sa coronavirus disease pero hindi man lang niya maramdaman na siya ay may sakit.
Kung maaalala si Mitchell ang ikalawang player kasunod kay Rudy Gobert na nahawa sa COVID-19.
Kuwento pa ni Mitchell na nasa isolation pa rin, siya raw ay asymptomatic at kung tutuusin kahit sya ay mamamasyal ay hindi malalaman ng tao na siya ay COVID positive.
Ito umano ang dahilan kung bakit nakakatakot ang sakit na kung sino na lang ang kausap mo ay carrier na pala.
Batay sa ilang obserbasyon may matinding epekto ang virus sa mga matatanda lalo na ang may dating karamdaman na posibleng magdulot ng severe illness hanggang sa pneumonia.
Sa ngayon aniya, nami-miss na ni Mitchell ang NBA games na kung nagkataon ay play-off season na sana.
Sinasabing kung maiibsan ang epekto ng coronavirus sa Amerika, baka sa buwan na umano ng Mayo mag-resume ang mga laro.