-- Advertisements --

LAOAG CITY – Idinaos sa Plaza del Norte sa bayan ng Paoay dito sa Ilocos Norte ang selebrasyon ng ika-100 kaarawan ng tinaguriang Manlilikha ng Bayan na si Magdalena Gamayo.

Dumalo sa programa ang mga opisyal mula sa bayan ng Pinili sa pangunguna ni Mayor Rommel Labasan kasama ang pamahalaang panlalawigan na pinamumunuan ni Gov. Matthew Marcos Manotoc at si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ayon kay Mr. Sanny May Baoec, apo ni Nana Magdalena, nais nilang ipahayag ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng dumalo lalo na sa National Commission for Culture and the Arts na nag-organisa ng pagdiriwang ng ika-100 kaarawan ni Nana Magdalena.

Ibinahagi niya na sa kabila ng edad ni Nana Magdalena ay nakakarinig, nakakapagsalita at nakakakita pa rin bagaman may mga pagbabago sa kanyang paningin.

Kaugnay nito, sinabi niya na mula noong bata pa si Nana Magdalena, ang paghabi ang paboritong libangan niya sa buhay.

Samantala, nagpasalamat si Nana Magdalena sa lahat ng dumalo at nagmamahal sa kanya sa pagdiriwang ng kanyang ika-100 taong kaarawan.