Naniniwala si Department of Education Secretary Sonny Angara na tutugunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang ginawang pagtapyas na P12 billion sa pondo ng DepEd para sa 2025.
Binigyang-diin ni Angara ang kahalagahan ng pagbibigay prayoridad sa sektor ng edukasyon.
Paliwanag ng dating finance chairman, sa mga nakalipas na taon, tinaasan ng Kongreso ang iminungkahing pondo ng ehekutibo para sa Deped.
Ikinalungkot ni Angara na tinapyasan ang sektor ng edukasyon sa 2025 proposed national budget.
Magugunitang noong nakaraang linggo, inaprubahan ng bicameral conference committee ang panukalang P6.352 trillion na pondo para sa susunod na taon kung saan kabilang sa tinapyasan ang kagawaran ng edukasyon ng P12 billion at P30 sa Commission on Higher Education.
Dito nadismaya si Angara kung saan sa
halip na dagdagan ay tinapyasan pa aniya ang kanilang pondo na kabaliktaran sa nakagawian ng Kongreso kapag binubusisi na ang budget sa bicam para sa sektor ng edukasyon.