-- Advertisements --

Patuloy pa rin sa pagpapakawala ng tubig ang Angat at Ipo dam sa probinsya ng Bulacan dahil sa mga pag-ulan sa watershed nito.

Batay sa datos ng state weather bureau Hydrometeorology Division, kaninang alas 6 ng umaga umakyat pa ang level ng tubig sa Angat Dam sa 213.68 meters.

Ang antas na ito ng tubig ay mas mataas pa rin sa normal high level ng dam na nasa 212 meters.

Dahil dito, nagbukas muli ang pamunuan ng dam ng dalawa pang spillway mula sa isang spillway kahapon.

Ang bawat spillway ay may opening na aabot sa tig dalawang metro.

Ang Ipo dam ay patuloy rin sa pagbabawas ng level ng tubig.

Nagdagdag rin ito ng dalawa pang spillway at may opening na 1.3 meters.

Samantala, bahagya namang bumaba ang antas ng tubig sa La Mesa Dam, Binga Dam, San Roque, at Pantabangan Dam.