-- Advertisements --
Muli nakapagtala ng pagbaba ng lebel ng tubig ang Angat Dam sa buong magdamag sa kabila ng mga nararanasang pag-ulan sa may bahagi ng Luzon.
Batay sa datos ng state weather bureau, as of 8 kaninang umaga at umabot sa anim na sentimetro ang nabawas sa lebel ng tubig nito.
Dahil dito umabot na lamang sa 175.88 meters ang kasalukuyang water level ng Angat.
Mas mababa na ito sa 175.94 meter na lebel ng tubig na naitala kahapon.
Bumaba rin ito ng halos limang metro mula sa minimum operating level na 180 meters.
Samantala, ayon sa ahensya, bumaba rin ang lebel ng tubig sa Caliraya Dam kaninang umaga.
Nananatili namang nakatutok ang state weather bureau sa iba pang mga dam sa iba’t ibang bahagi ng bansa.