-- Advertisements --

Hindi nakapasok sa final team ng Gilas Pilipinas ang San-En NeoPhoenix guard na si Thirdy Ravena para sa laban kontra Jordan sa 2023 Fiba Basketball World Cup Asian qualifiers na nakatakda bukas ng Biyernes.

Ito ay matapos maglabas ngayon pinal na listahan si coach Chot Reyes para sa kanyang final 12-man roster.

Inanunsyo naman ng Fiba ang 12-man roster matapos ang isinagawang pagpupulong bago ang tip-off.

Samantala, si Ange Kouame na isang naturalized Filipino citizen na nagmula sa Ivory Coast at center player ng Ateneo sa UAAP ay minarkahan ang kanyang pagbabalik sa koponan.

Nakatakdang namang makatunggali ng Gilas Pilipinas ang koponan ng Falcons alas 12 ng umaga oras dito sa Pilipinas sa Prince Hamza Hall sa Amman, Jordan.

Ang mga manlalaro naman na kokompleto sa Team Pilipinas ay ang Adelaide 36ers big man na si Kai Sotto, ang Nagoya Diamond Dolphins shooter na si Bobby Ray Parks, Levanga Hokkaido guard Dwight Ramos.

Kasali rin ang Ginebra Trio na sina Japeth Aguilar, Jamie Malonzo at Scottie Thompson.

Kukumpleto rin sa 12-man roster ang mga manlalaro ng TNT na sina Poy Erram, Roger Pogoy at Calvin Oftana.

Habang mula sa San Miguel ay si CJ Perez, at La Salle rookie na si Kevin Quiambao. (with reports from Bombo Victor Llantino)