Umaasa si Ange Kouame isang naturalized player sa Gilas Pilipinas na makapaglaro bilang isang local player sa anumang FIBA sanctioned tournamesnts.
Nabuhay ang usap-usapan na ito matapos ang kamakailang laban ng Gilas Pilipinas at Chinese-Taipei sa FIBA Asia Cup Qualifiers. Sa naturang laro, nagparada ang Chinese-Taipei ng ilang foreigner players na naglaro bilang local players, kabilang na si Mohammed Al Bachir Gadiaga.
Si Gadiaga ay naglaro bilang local player ng Chinese-Taipei, kahit na wala itong dugong Taiwanese. Ipinanganak siya sa Japan sa isang Senegalese na ama at isang Amerikanang ina, at lumaki sa Taiwan kung saan siya naglaro para sa Shih Hsin University sa University Basketball Association.
Dahil dito, inihalintulad ang kalagayan ni Kouame na isang naturalized player at naglaro para sa Ateneo sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).
Ang 6-foot-11 na si Kouame ay dumating mula sa Côte d’Ivoire noong 2016 upang mag-aral sa Multiple Intelligence International School sa Katipunan, kung saan nito nakapag tapos nang high school noong Mayo 2018.
Binigyan ng Filipino Citenzenship si Kouame ng Kongreso noong 2021, na nagbigay daan naman upang maisali ito sa Gilas sa pamumuno ni Tab Baldwin, at kalaunan ay naging bahagi ng koponang nagwagi ng gintong medalya sa Asian Games sa ilalim ni Tim Cone.
Kung mabibigyan ng exemption ng FIBA si Kouame ay magiging malaking tulong ito para sa Gilas, lalo na’t si Kai Sotto ay nagkaroon ng knee injury at hindi pa makakalaro sa FIBA Asia Cup sa Jeddah, Saudi Arabia sa Agosto, 2025.
Samantala, umaasa si Kouame na magkaroon din siya ng pagkakataong makapag laro bilang local player para sa Gilas Pilipinas sa mga darating na FIBA tournaments.