-- Advertisements --

Umaasa ang Gilas Pilipinas na mapagbigyan ang hirit nilang kilalanin bilang local player si Angelo Kouame.

Ang 6-foot-11 center kasi ay dumating sa bansa mula sa Cote d’Ivoire noong 2016 at nag-aral sa Multiple Intelligence Internatioanl School sa Quezon City kung saan nakakuha ito ng diploma sa high school noong Mayo 2018.

Sa edad na 18 ay lumipat ito sa Ateneo na naging unang foreign student athlete na nagwagi ng UAAP Rookie of the Year.

Taong 2021 ng gawaran ng Kongreso ang 27-anyos na si Kouame ng Filipino Citizenship para makapaglaro sa Gilas Pilipinas noong panahon ni coach Tab Baldwin bago naging bahagi ng history-making ng makakuha ng gold medal ang Gilas sa Asian Games sa ilalim na ni Tim Cone.

Sakaling maaprubahan ng FIBA ang exemption kay Kouame ay magiging malaking susi ito sa Gilas lalo na at hindi nakakapaglaro si Kai Sotto dahil sa injury sa tuhod nito.