-- Advertisements --

MANILA, PHILIPPINES- Engaged na ang aktres na si ANgel Locsin sa kaniyang film producer boyfriend na si Neil Arce.

Masayang ibinahagi ng aktres ang magandang balita na ito sa kaniyang Instagram account.

https://www.instagram.com/p/BzSaOH5lPLb/

Sa isang litrato na ibinahagi ni Arce sa kaniyang Instagram account, makikita itong may hawak na singsing sa kaniyang likod

https://www.instagram.com/p/BzSThxUgOV1/

“Thank you for allowing me to be with you, take care of you and most of all love you for the rest of my life,” caption ni Arce.

https://www.instagram.com/p/BzSbWkng7tw/

Kinumpirma ni Locsin noong February 2018 ang relasyon niya kay Arce. Naging matagal muna silang magkaibigan bago maging magkasintahan.

Buhos naman ang pagbati ng ilan sa malalapit na kaibigan ng dalawa tungkol sa magandang balita.