-- Advertisements --

Nasa halos P11 milyon na ang nakuhang cash donations ni Angel Locsin para sa proyekto nito sa iba’t-ibang pagamutan sa bansa.

Sa kaniyang social media account inanunsiyo ng 34-anyos na actress ang nasabing halaga para sa kaniyang #UniTentWeStandPH campaign.

Ang nasabing kampanya ay paraan ng actress para sa pagtulong sa mga pagamutan sa nararanasang krisis dulot ng coronavirus pandemic.

Target ng kampanya ay mabigyan ng 150 pampubliko at pribadong ospital sa Metro Manila ng mga tent na lugar kung saan puwedeng magpahinga ang mga healthcare frontliners.

Kasama ng actress sa kampanya ang fiance nitong si Neil Arce at mga kapwa artista at malalapit na kaibigan.