-- Advertisements --

Naglabas ng saloobin si Angel Locsin sa dumaraming kaso ng Asian-hate crimes.

Sa kaniyang Instagram, nagpost ito ng larawan kung saan nakasulat sa suot nitong facemask ang salitang “Hate is a Virus”.

Nakasaad pa ito na isang kaduwagan ang nasabing pag-uugali at tiniyak nito sa mga biktima na handa niyang ipaglaban ang mga ito.

Magugunitang ilang Filipino na rin sa US ang nabiktima ng Asian-hate crimes kung saan inamin ng mga otoridad na tumaas ang nasabing kaso sa nakaraang dalwang buwan.

Isa lamang ang actress na ilang celebrities na nagpahayag ng galit sa nagaganap na ‘hate crimes’ sa US.