-- Advertisements --
Nagpahayag ng pagkabahala ang mga fans ni Angel Locsin matapos nitong ihayag na siya ay nakagat ng aso.
Sa tinatawag na IG story, nag-post si Angel ng kanyang larawan kung saan may kagat ito ng aso sa mukha partikular sa kanyang baba.
Walang ibang detalyeng ibinigay ang 34-year-old actress.

Nabatid na nitong weekend lang nang magtamo ng blackeye si Locsin sa mata pero nilinaw na hindi raw siya nabugbog.