Nakatanggap ng isang wedding ring ang sikat na aktres na si Angel Locsin mula sa kanyang asawang si Neil Arce ngayong araw ng mga puso.
Halos kalahating taon na din kasi ang nakalipas matapos na magpakasal ang dalawa sa isang intimate civil wedding ay sa wakas ay nakapagsuot na rin ng legit na wedding ring ang celebrity couple.
Ibinida ni Angel ang naturang wedding ring sa kanyang instagram post kasama ang kanyang hubby.
Makikita sa mga larawan na ibinahagi ng aktres sa kanyang instagram ang simple but romantic pre-valentine dinner date nila ng kanyang asawa, maging ang wedding ring na tinutukoy ng aktres na ini-regalo sa kanya nito.
Ika nga sa caption ni Angel “Finally, may wedding ring na rin kami”
Samantala, sa bukod naman na instagram post ng asawa nitong si Neil Arce ay binigyang diin nito na wala nang choice at takas si Angel dahil forever na raw silang magkasama tuwing Valentine’s Day.
Magugunita na taong 2019 nag-propose si Neil kay Angel at naka-schedule nang ikasal noong November 2020 na na-postpone naman nang tamaan ng COVID-19 pandemic ang bansa at ini-reschedule ito noong August 7, 2021 na in-anunsyo naman ng celebrity couple sa isa sa kanilang vlog.