-- Advertisements --

Umani ng papuri sa kaniyang mga fans ang ginawang pagkakawanggawa ni Angel Locsin.

Nagpapamigay kasi ang actress ng tig-P2,000 sa iba’t-ibang indibidwal.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng video na kasama ang asawang si Neil Arce habang nagkakabit ng mga Christmas decorations sa kanilang bahay.

Sinabi nito na noong bata na dahil sa hirap ng buhay ay hindi sila nagdiriwang ng kapaskuhan.

Dahil sa nais niyang sumaya ang pagdiriwang ng kapaskuhan ng kaniyang fans ay nagpasya ito na mamahagi ng mga pera.

Mamimili na lamang ito ng mapalad na indibidwal na magkokoment at mag-share ng kaniyang karanasan sa Kapaskuhan.