Nagpulong na sina Angel Locsin at si Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. kaugnay sa alegasyon ng heneral na may koneksyon ang kapatid ng aktres sa mga komunista.
Sa pahayag ng abugado ni Locsin na si Atty. Joji Alonso, tinalakay at inayos na ng magkabilang panig ang mga isyu na lumitaw nitong mga nakalipas na linggo.
Kasama na aniya rito ang paratang ni Parlade na ang kapatid ni Locsin na si Ella Colmenares ay symphatizer umano ng New People’s Army (NPA).
“Ms. Locsin expressly denounces violence and terrorism in any form and supports all efforts of the government to maintain the safety and protection of its citizens,” saad sa pahayag ni Alonso sa Instagram.
“For his part, Lt. General Parlade conveyed to Ms. Locsin his appreciation for her contribution to the AFP and her continuing advocacy to help the poor, impoverished and the helpless,” dagdag nito.
Nitong nakalipas na buwan nang akusahan si Parlade si Locsin na hindi raw nito ibinubulgar ang umano’y ugnayan ng kanyang kapatid sa NPA.
Nagbabala rin ang heneral kina Liza Soberano at Catriona Gray laban sa pakikipag-ugnayan sa grupong Gabriela, na umano’y front ng mga komunista.
Itinanggi naman ni Parlade sa pagdinig sa Senado na red-tagging ang kanyang ginawa.