-- Advertisements --
Angel and Neil
Angel and Neil/ IG post

Prioridad ngayong taon ni Angel Locsin ang paghahanda niya para sa kasal nila ng nobyong si Neil Arce.

Ayon sa actress, na kung noong nakaraang taon ay bahagyang huminto sila sa preparasyon dahil sa pagigigng abala sa career ay ngayon ay ipagpapatuloy nila ang paghahanda para sa kasal.

Naghihinay-hinay aniya ito ngayong taon sa paggawa ng mga pelikula para makatutok silang dalawa sa kanilang pagpapakasal.

Magugunitang noong nakaraang taon ay inalok ng kasal ni Neil ang actress matapos ang ilang taong relasyon.