-- Advertisements --

Halos walong buwan mula nang ikasal, wala pa sa plano ni Angel Locsin ang pagbuo ng mga tsikiting nila ng asawang film producer na si Neil Arce.

Ayon sa 36-year-old actress, under medication pa ang kanyang problema sa thyroid kaya hindi pressured na magka-baby.

Para naman sa mga kantyaw o nararanasang body shaming hinggil pa rin sa kanyang labis na timbang, nilinaw nito na sinusubukan naman niya na mag-diet pero hindi big deal kung matatagalan pa umepekto.

“I’m trying but I am not trying my best. I don’t really care. I’m Angel Locsin. Na-develop ko ‘yung sarili ko nang kung ano man ako ngayon,” wika nito kay Ogie Diaz. “What I mean is I don’t care kung ano ang opinyon ng ibang tao. Okay ako eh. Ganda ko sa paningin ng asawa ko. I mean darating din tayo diyan. Kung papayat ka papayat ka.”

Agosto noong nakaraang taon nang ganapin ang intimate civil wedding ceremony nina Locsin at Arce matapos ang dalawang taon na pagiging engaged. Pero nito lamang nagdaang “love month” nagkaroon ng official wedding rings.