-- Advertisements --
ANGLE

Tumanggap ng surprise birthday salubong ang actress na si Angel Locsin sa kanyang pamilya at fiancé na Neil Arce.

Ngayong araw kasi ay 35-anyos na si Angel.

Ibinahagi rin ni Locsin sa social media ang video clip ng birthday surprise.

Kabilang sa regalo kay Angel ay Darna-themed cakes mula sa kanyang ama at sa soon-to-be-husband.

Ang actor na si Paulo Avelino at ilang fans ay nagbigay din sa kanya ng regalo.

Ang aktres ay kabilang sa mga local celebrities na aktibong tumutulong sa mga frontliners.

Una na siyang ibinilang sa listahan sa Forbes Asia’s “latest Heroes of Philanthropy.”

“Nalaman ko ‘yong surprise nila 30 minutes earlier. ‘Di nila alam na alam ko na,” ani Angel. “How sweet na pareho ng birthday cake ang tatay ko na ibinigay sa akin at ni Neil. Ang galing maraming salamat!”