-- Advertisements --

Labis ang kasiyahan o mistulang nasa “cloud 9” pa rin si Angel Locsin kasunod ng pagiging engaged sa TV/film producer na si Neil Arce.

Ayon sa 34-year-old actress, nakakadagdag sa kaligayahan nito ang mga well wishes mula sa mga kasamahan sa showbiz at maging sa mga ordinaryong fans.

“Still on a high from everyone’s reaction and well wishes. hehehe! Thank you sooo much for being part of our journey & adding so much joy to our engagement,” ani Locsin.

Nitong weekend nang ianunsyo nina Angel at Neil ang nakatakdang pag-iisang dibdib ngunit wala pang malinaw na detalye gaya sa petsa at lugar.

Kaugnay nito, si Kris Aquino ang pinakaunang nagkumpirma na isa siya sa mga ninang ng wife at husband to be.

Ito’y sa pamamagitan ng palitan ng mensahe ni Angel sa dating presidential sister sa comments section ng isa sa mga engagement photos:

Taong ni Kris: “Ninang pa rin ba ‘ko?,” bagay na sinagot ng aktres na “Yes please ate! Please be our ninang!”

Nabatid na February 2018 lamang nagsimula ang love story ng dalawa pero magkaibigan na raw sa loob ng pitong taon.

Bago si Locsin, galing si Arce sa five year relationship sa aktres na si Bela Padilla.