-- Advertisements --

Ikinasal na ang aktres na si Angelica Panganiban sa businessman fiance nitong si Gregg Homan sa Los Angeles nitong new year’s eve. 

Sa online post ng aktres, ibinahagi niya ang kanilang wedding pictures ng kanyang asawa kasama ang kanilang anak na nakasuot din ng white dress. Kabilang sa mga dumalo ang kaibigan ni Angelica na sina Bela Padilla at Kim Chiu.

Sa caption nito, sinabi ni Mrs. Homan na patuloy na mananalig at maniniwala sa pag-ibig. Ani Angelica, sa kabila ng lahat, ang pagmamahal pa rin ang kakapitan.

Nagtagpo ang landas nina Gregg at Angelica sa set ng aktres taong 2020 at noong Oktubre 2022 inanunsyo ng mag-asawa ang kanilang engagement sa isang vlog ilang linggo matapos manganak ng aktres.

Inulan naman ang post ni Angelica ng congratulations at best wishes mula sa celebrity friends nito gaya nina Anne Curtis, Alyssa Valdez, at Glaiza de Castro.