-- Advertisements --
Angelica Panganiban
Angelica Panganiban/ IG post

Humingi ng paumanhin si Angelica Panganiban sa isa niyang fans matapos na tanggihan niya itong makipagkuha ng larawan.

Sa kaniyang social media account, sinabi ng actress na hindi siya nagtatrabaho sa oras na iyon kaya hindi siya maaaring makipagkuha ng larawan.

Humingi ito ng pag-intindi sa mga fans na hindi naman siya talaga suplada subalit sana ay intindihin ang pagkakaroon nito ng privacy.

Inayunan naman ito ng ilang fans at sinabing dapat respetuhin din ng mga fans ang privacy o sariling oras ng kanilang mga iniidolo.