-- Advertisements --
Thankful ang aktres na si Angelica Panganiban matapos makaligtas sa kinasangkutang aksidente sa Japan.
Ayon kay Panganiban, umikot sa freeway ang sinasakyan nitong taxi kaya sumakit ang kanyang batok ko at nagkaroon ng bukol.
Gayunman, umabot naman daw siya sa airport at “on time” lang din sa kanyang flight.
“Ang importante, ligtas kami ni kuya driver. Nagtaka lang ako pinag bayad pa niya ko kahit muntik na kaming mamatay,†sagot nito sa nagtanong na netizen.
Nabatid na nasa bakasyon si Angelica kasama ang celebrity couple na sina Maxene Magalona at Rob Mananquil.