-- Advertisements --

Emosyonal si Angelina Jolie matapos na makatanggap ng standing ovation sa Venice Film Festival.

Dumalo kasi ang Oscar-winner sa premiere ng kaniyang pelkulang “Maria” sa Venice Film Festival.

Matapos ang screening ay napuno ng hiwayan at palakpakan kung saan napaluha ng bahagya ang actress.

Kasama nito sa sinehan ang director ng pelikula na si Pablo Larrain at mga kasamahan na sina Alba Rohrwacher at Pierfrancesco Favino.

Ginampanan ang actress si Maria Callas isa sa kilalang opera singers noong dekada 70 sa Paris.

Ang nasabing pelikula ay isang biopic ni Callas kung saan mapapanood ang mga kaganapan sa buhay nito.