-- Advertisements --
Nanawagan ang Hollywood actress na si Angelina Jolie sa US Congress na magpasa ng bagong batas laban sa pananakit sa mga kababaihan.
Isinagawa nito ang panawagan ng maimbitahan sa US Capitol at nagtalumpati sa pagkondina nito sa pananahimik ng kongreso sa patuloy na tumataas na kaso ng pananakit sa mga kababaihan.
Nagtapos na kasi noong 2019 ang Violence Against Women Act na iniakda noong senador pa si US President Joe Biden.
Dagdag pa ng actress na matagal na ang panawagan niya na repasuhin ang batas subalit hindi ito naisasakatuparan dahil sa inuuna ng mga kongreso ang ibang usapin.
Kaya aniya nito isinusulong ang nasabing panukalang batas dahil sa noong nakaraang taon ay biktima siya ng domestic violence.