-- Advertisements --

Ikinasal ang singer na si Angeline Quinto sa non-showbiz partner nitong si Nonrev Daquina.

Ginanap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa Quiapo Church sa lungsod ng Maynila nitong hapon ng Huwebes.

Napili nila ang nasabing simbahan dahil kapwa deboto ang dalawa sa Itim na Nazareno.

Ilan sa mga tumayong principal sponsors ay sina Martin Nievera, Regine Velasquez-Alcasid, Boy Abunda at Charo Santos-Concio.

Dinaluhan din ito ng mga kasamahan niya sa showbiz at music industry.