-- Advertisements --

Isinilang na ni Angeline Quinto ang ikalawa nilang anak ng asawang si Nonrev Daquina.

Sa social media account ng management na KreativeDen Entertainment ay ibinahagi nito ang pangangaka noong Agosto 14 dakong 8:10 ng umaga sa St. Luke’s Medical Center – Global City.

May timbang ang batang babae na 6.3 pounds at pinangalanan nila si Azena Sylvia.

Isinunod ng singer ang pangalan ng kaniyang adoptive mother na si Mama Bob na ang tunay na pangalan ay Sylvia Quinto na pumanaw noong Nobyembre 2020.

Noong nakaraang buwan ng Mayo ng ianunsiyo ng singer ang kaniyang pagbubuntis isang buwan matapos na ikasal ang dalawa noong Abril sa simbahan ng Quiapo.

Ang dalawa ay may unang anak na si Sylvio na isinilang noong Abril 2022.