Hindi na rin napigilan ng iba pang artista na patutsadahan ang singer-songwriter na si Jimmy Bondoc.
Ito ay matapos ang matapang na pahayag ni Bondoc sa kanyang social media account kung saan walang takot na sinabi nitong excited na siya sa pagsasara ng isa sa pinaka malaking tv network sa Pilipinas.
Muli kasing magrerenew ng permit sa Kongreso ang nasabing tv network upang maipagpatuloy ang kanilang franchise broadcast para sa susunod na 25 taon.
Dismayado naman ang singer na si Angeline Quinto sa public post ni Bondoc. Ayon kay Quinto, hinahangaan niya raw ang singer-songwriter bilang katrabaho at kaibigan ngunit parang wala raw siyang utang na loob sa nasabing tv network.
Tirada naman ng executive officer ng tv network kay Bondoc na libo-libong katao raw ang natulungan nito at isa na ang singer dito kung kaya’t dapat pa nga siyang magpasalamat sa tv network.
Una nang naibalita na haharangin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag renew ng kumpanya sa kanilang permit. Ito ay dahil sa di-umano’y hindi nila pagpapalabas sak kanyang campaign ad noong 2016 presidential election kahit bayad na raw ito.
Ayon pa sa pangulo, inalok daw siya ng tv network na ibabalik na lang ang kanyang binayad ngunit hindi siya pumayag sa negosasyong ito.