-- Advertisements --

Tulad noong pagpasok ng 2022, positive vibes muli sa unang araw naman ng “love month” si Angeline Quinto.

Ito’y kasunod ng sorpresang gender reveal party para sa 32-year-old singer/actress na inorganisa ng kaibigan nitong comedian-host na si Vice Ganda.

Ayon kay Quinto, mas na-excite siya sa kanyang motherhood journey ngayong naibahagi na sa publiko na lalaki ang magiging panganay na anak.

Nabatid na kasabayang magbuntis ni Angeline ay ang actress turned beauty queen na si “Winwyn” Marquez na una nang inanunsyo naman babae ang first baby.

Nakatakdang siyang manganak sa darating na Abril.

Noong nakaraang buwan nang aminin ni Angeline sa King of Talk na si Boy Abunda na siya ay buntis ngunit sikreto ang pangalan ng ama dahil mayroon na rin itong anak sa ibang babae.

Kung maaalala, isa si Quinto sa mga artista na deboto ng Poong Nazareno kung saan may pagkakataon pa na sumampa siya mismo sa andas noong may prusisyon pa taong 2018.