-- Advertisements --

DAGUPAN CITY-Isinantabi na ng mga otoridad ang anggulong kidnapping sa pagkawala ng magkapatid sa barangay Banaoang, Mangaldan, Pangasinan.

Nabatid na ilang araw nang nawawala ang magkapatid na sina Jerald Soquilo, 19 anyos at Melanjie, 16 anyos.

June 20 umano nang pumasok sa Mangaldan National Highschool pero hindi na nakauwi sa kanilang bahay.

Pinaniniwalaang posibleng nagtampo ang magkapatid sa kanilang mga magulang kaya sila naglayas matapos silang mapagalitan.

Itinanggi naman ng ina ng dalawa na nagkaroon sila ng tampuhan ng mga anak.

Kasabay nito ay nanawagan siya sa mga anak niya na umuwi at hindi siya galit sa mga ito.

Samantala, nagsasagawa na ng hiwalay na imbestigasyon ang pamunuan ng Mangaldan National Highschool sa naturang insidente at handa silang makipagtulungan sa mga otoridad upang mahanap ang magkapatid.