Bumuwelta ang dating kinakasama ni Buboy Villar na si Angillyn Gorens ito’y matapos kamakailang ipakilala ng komedyante ang bago nitong kinakasama at anak.
Ayon sa kanya, bagamat wala siyang problema sa pagkakaroon ni Buboy ng bagong pamilya at anak, nag-aalala siya tungkol sa pagbabago ng sustento at oras na ibinibigay ni Buboy sa kanilang mga anak.
Binanggit din ni Angillyn sa isang pahayag sa PEP na ang mga magulang at kapatid niya ang siyang tunay na nag-aalaga sa kanilang mga anak, habang siya ay nagtatrabaho sa Amerika.
Isa sa mga isyu na kanyang sinabi na ang paggamit ng kanilang mga anak sa social media content at interviews ng bagong pamilya ni Buboy, ay hindi nararapat, lalo na’t ang mga bata ay menor de edad pa lamang.
Aminado si Angillyn na wala siyang problema sa pagkakaroon ni Buboy ng bagong pamilya, ngunit ang pagbabawas ng sustento at ang pagpapakita ni Buboy sa publiko bilang pangunahing tagapag-alaga ng kanilang mga anak ay isang isyu para sa kanya.
Binigyang diin pa nito na sila (kanyang Pamilya) ang nag-alaga sa mga anak nila Buboy, habang siya ay nagtatrabaho sa ibang bansa.
Maalalang naghiwalay sina Buboy at Angillyn noong taong 2020 pagkatapos ng apat na taong relasyon.