Naniniwala si Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan na mahalaga na mabigyan ng angkop na interbensiyon ang mga Persons Deprived with Liberty (PDL) para hindi na maging repeat offenders dahil makakatulong ito na ma-decongest ang mga overpopulated penal and detention facilities.
Binanggit ni Yamsuan bilang isang halimbawa ang mga programa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para i-decongest ang mga detention facility sa ilalim ng pangangasiwa nito, na humantong sa pagpapalaya sa mahigit 74,000 persons deprived of liberty (PDL) sa unang 10 buwan ng 2023.
Sinabi ni Yamsuan ang jail decongestion initiatives ng BJMP ay hindi lamang magpapabilis sa legal na proseso na palayain ang mga PDLs na eligible makalaya.
Pinuri din ni Yamsuan ang pamunuan ng BJMP na hikayatin ang mga PDLs na ipakita ang kanilang mga creative talents sa pamamagitan ng artworks at handicrafts para pataasin ang kanilang morale at para makatulong at kumita ng pera.
Batay sa ulat na isinumite ng BJMP nasa 20,000 PDLs ay mga reoffenders.
Iminungkahi din ni Yamsuan na ang mga pangunahing kalahok sa nalalapit na National Jail Decongestion Summit na pinamumunuan ng Korte Suprema at ng Justice Sector Coordinating Council (JSCC) ay tumutok din sa rehabilitasyon at naaangkop na mga programa ng interbensyon para sa mga PDL upang mapababa ang recidivism rate at makatulong na mapawi ang pagsisikip sa kulungan.
Inaasahang makikibahagi si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Summit na itinakda sa Disyembre 6 at 7 sa Diamond Hotel sa Maynila.
Nauna nang sinabi ng Bicol Saro law maker na umaasa siya na ang paparating na National Jail Decongestion Summit ay magbubunga ng mga bagong patakaran at programa para matugunan ang siksikan sa mga kulungan at detention center sa bansa.
Binigyang-diin ni Yamsuan na ang pag-isahin ang Bureau of Corrections (BuCor), BJMP ng DILG; correctional and jail services ng provincial governments; Board of Pardons and Parole (BPP) at Parole and Probation Administration (PPA) sa ilalim ng iisang single agency ay dapat masama sa listahan ng sustainable solutions para magkaroon ng seamless coordination sa ibat ibang agencies.