-- Advertisements --

Mistulang hindi naging maganda ang unang araw ng Angola sa Foshan para sa kanilang pagsabak sa 2019 FIBA World Cup.

Sa tweet ni Angolan head coach Will Voigt, hindi lamang daw ang kanilang koponan kundi pati ang Italy ay mayroon ding hindi kanais-nais na karanasan sa Foshan kung saan gaganapin ang magiging mga laro sa Group D.

Inihayag ni Voigt, hindi raw binigyan ng bola ang Italians sa kanilang ensayo, bukod pa sa naranasan ng mga Angolans.

“First 24 hours in Foshan and so far @BasketItalyit was refused to be given basketballs to practice with, we were refused a conference room, there is no internet working and they are charging everyone to wash practice gear and uniforms. You can do better China & @FIBA… #FIBAWC,” saad ni Voigt.

Magtutuos ang Angola at Pilipinas sa Setyembre 4 na huling laban sa grupo.

Nagsagawa ng ensayo ang Gilas Pilipinas sa Foshan International Sports and Cultural Center nitong Huwebes ng gabi ngunit wala namang inireklamo ang mga Pinoy.